humihiling

at ngayon ako’y naririto.. humihiling na sana’y nakilala muna kita bago siya.. gaano kakulay kaya ng aking mundo kung kasama kita ngayon?? saan kaya tayo makararating?? ano kaya ang ating mga magagawa?? naging iba sana ang ating mga pag-uusap.. naging iba sana ang ating pinagbiruan.. hindi sana ako ngayon narito at humihiling kung nakilala kita bago siya..

ngayon hindi ko na siya kasama.. nag-iisa at mag-iisa.. maaari ba akong tumakbo papunta sayo??  hahayaan mo ba akong manatili kasama ka?? kahit na alam mo na ako ay lalapit sayo dahil nasaktan ako sa kanya?? matapos na iyong pahirin ang mga luhang kanyang dinulot gagawin mo ba itong muli?? tanggapin mo pa rin kaya ako muli??

madalas kitang nakikita.. madalas pa rin makakasama.. ngunit di na tulad ng dati.. maraming nawala at ngayon ako’y nangungulila sa awit ng iyong halakhak.. sa obra ng iyong ngiti.. naalala ko kung pano ka mag-alala sa isang kaibigan.. sa akin.. sana ay batid mo ang aking nararamdaman.. at sana ay ako’y iyong kakalingahin.. kahit na kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan..

sana ay hindi ako nagkaganito.. sana ay hindi kita hinahanap o kaya ay sana narito ka.. sana ay  hindi ako humihiling ng isang panaginip.. ng isang magandang katha na dulot ay walang katuturang pag-asa.. humihiling na sana ay muling isulat ang kasaysayan ng kahapon.. na sana’y nakilala kita  bago siya

One Response to “humihiling”

  1. Margie Says:

    care to share?

Leave a Reply